Inilunsad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) kahapon sa tapat ng Batasang Pambansa Complex, Quezon City, ang Mamamayang Ayaw Sa Anomalya, Mamamayang Ayaw sa Ilegal na Droga (MASA MASID), isang community-based program na naglalayong pigilan ang katiwalian, bawal na droga at kriminalidad sa mga barangay.
Sinabi ni DILG Secretary Ismael Sueno na nais ng programa na himukin ang mga kumunidad na maging aktibo sa pagsugpo ng katiwalian, droga at kriminalidad.
Dahil sa programang ito, inaasahan na magkakasundo ang lahat ng miyembro ng pamayanan na labanan ang bawal na gamot. “We believe that peace and order is a shared responsibility of all Filipinos.
Through the MASA MASID program, citizens and other concerned sectors can help the government in its campaign to rid the country of crime and illegal drugs,” pahayag ni Sueno. (Chito Chavez)