Sinuspende ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang isang traffic enforcer na nahuli sa isang shabu session sa Quezon City kamakailan.
Ayon kay MMDA General Manager Tim Orbos isinailalim na sa preventive suspension si traffic aide Benedict Barreras dahil sa paggamit ng droga.
“Drug use is definitely a big no-no for employees of MMDA. We will not tolerate this kind of misbehavior,” wika ni Orbos.
Isa si Barreras sa mga naaresto sa isinagawang anti-drug operation ng Quezon City police. Sinabi ni Orbos na posibleng maalis sa serbisyo si Barreras kung mapapatunayang gumagamit talaga siya ng bawal na gamot.
“Rest assured that we will continue cleaning our ranks of all kinds of crooks,” dagdag pa ni Orbos. (Anna Liza Villas-Alavaren)