Hiniling kahapon ni Senator Joseph Victor “JV” Ejercito sa Sandiganbayan Sixth Division na payagan siyang makabiyahe sa Hong Kong mula October 14 hanggang 16.
Sa kanyang inihaing motion, sinabi ni Ejercito na ang kaniyang pagbiyahe ay para sa bakasyon niya kasama ang kaniyang asawa at anak.
Plano ng pamilya na tumigil sa isang hotel sa Kowloon at pumunta sa Cathay Pacific Office para sa renewal ng Hong Kong identification card ng kanyang asawa.
Tinutulan ng prosecution ang planong pagbiyahe ni Ejercito dahil lumalabas na ang dahilang ng kanyang patungo sa Hong Kong ay para maglibang lamang.
“Thus, there is no compelling reason for this Honorable Court to grant his purported travel to the said country. Said accused failed to show that the denial of his request to travel abroad would cause him and his family irreparable damage or prejudice,” pahayag ng prosecution.
Nahaharap si Ejercito sa kasong ilegal na paggamit ng pondo ng bayan sa Sandiganbayan Sixth Division. (Czarina Nicole O. Ong)