Dahil sa nalalapit na Kapaskuhan, hinihimok ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang Metro mayors na maglagay ng night markets sa kani-kanilang lugar para mabigyan ng tamang puwesto ang mga illegal vendors nakakasagabal sa daloy ng trapiko sa Kamaynilaan.
Ayon kay Tim Orbos, MMDA general manager, magiging maayos ang takbo ng trapiko kung bibigyan ng tamang lugar na pagtitindahan ng mga vendors na inaasahang dadagsa sa mga susunod na buwan.
Sinabi niya na handang tumulong ang ahensiya sa paglalagay ng night markets at pagdi-disenyo ng stalls na gagamitin ng mga vendor. “Vendors’ structures should be mobile, not permanent structures.
At a given time, they come in and go. We can design their push carts, with proper specifications,” pahayag ni Orbos.
Sinabi pa niya na regular na nagsasagawa ng operasyon ang ahensiya sa kahabaan ng Edsa, Blumentritt, Baclaran, Cubao para itaboy ang vendors.
“We need to clear the roads for the greater majority. We are focusing on clearing of the roads and sidewalks of obstructions,” sabi ni Orbos. (Anna Liza Villas-Alavaren)