Ihahatid sa huling hantungan bukas ang yumaong dating Sen. Miriam Defensor-Santiago sa Loyola Memorial Chapel and Crematorium sa Marikina City.
Ililibing si Miriam sa tabi ng kanyang anak na si Alexander Robert na namatay noong 2003.
Kasalukuyang nakaburol ang mga labi ni Miriam, na namatay dahil sa sakit na kanser sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig City noong Huwebes ng umaga, sa Immaculate Concepcion Cathedral Grottos sa Cubao, Quezon City.
Plano ng Senado na magbigay pugay sa senadora sa pamamagitan ng isang necrological service sa Lunes pero ito ay tina-ggihan ng kanyang pamilya alinsunod sa kanyang kahilingan.
Nag-abot ng pakikiramay ang ilan pang senador sa pamilya ni Miriam.
Sinabi ni Sen. Loren B. Legarda na si Miriam ay isang esteemed colleague at admirable and fearless woman.
“She was a brilliant and remarkable lady, one of the legal luminaries of the country recognized internationally. The resounding manner by which Sen. Santiago was elected as a judge in the International Criminal Court is one concrete proof of her expertise and outstanding qualifications. That was a proud moment for the nation,’’ sinabi ni Loren sa isang pahayag. (Mario B. Casayuran)