CELEBRATING their first year anniversary in showbiz, magkakaroon ng big concert sa Music Museum on Oct. 28 ang breakthrough male group ng GMA-7 na T.O.P. (Top One Project).
Kauna-unahan nilang major concert ang “T.O.P. in Concert” kung saan special guests nila ang Kapuso Pantasya ng Bayan na si Kim Domingo at ang Traffic Diva na si Aicelle Santos.
Binubuo ang T.O.P. ng limang promising singers na sina Adrian Pascual, Joshua Jacobe, Louie Pedroso, Mico Cruz, and Miko Manguba.
Sila ang mga nanalo sa naging pa-contest ng GMA-7 last year na “To the Top” kung saan ang isa sa mga pumili sa kanila ay si Maestro Ryan “Mr. C” Cayabyab.
Excited na ang grupo dahil dumarami ang fans nila sa social media at sa mga out-of-town shows nila ay sumusugod ang kanilang fans na mula sa iba’t ibang lugar.
Ayon kay Mico Cruz: “Natutuwa naman po kami kasi nagiging pamilyar na kami sa kanila.
“Noong mag-guest kami sa isang radio station, maraming tumatawag at nire-request ang single naming ‘Ikaw Na Lang.’
“Nakakatuwa na alam na nila ang songs namin at sinasabayan nila ito sa radio.”
May isa pang boyband na binuo ang GMA-7 at ito ay ang One Up. Considered na rival ba nila ang grupong ito?
“Mga kapwa Kapuso namin sila at magkaiba po ang ginagawa namin,” ayon pa kay Miko Manguba.
“Kami po more on singing in harmony. Tsaka mga original songs ang inaawit namin. Ang One Up po ay more on being a sing-and-dance group at cover versions sila.
“Kaya walang rivalry. But we are willing to work with them balang-araw.”
Ang kikitain ng “T.O.P. in Concert” ay mapupunta sa Children’s Charity Ward of the Philippine Orthopedic.
For tickets and inquiries, please visit www.ticketworld.com.ph and all TicketWorld Outlets nationwide. (Ruel J. Mendoza)