Mahigit sa 600 sidewalk vendors ang pinayagang makapagtindang muli sa mga itinalagang kalye sa Divisoria, ayon sa Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) kahapon.
Ipinahayag ni MTPB Chief Dennis Alcoreza na ang side streets sa Divisoria gaya ng Tabora, Carmen Planas, Juan Luna, Sto. Cristo, at Ilaya ay muling binuksan sa 610 sidewalk vendors sa utos na rin ni Manila Mayor Joseph Estrada.
Ayon kay Estrada, ang hakbang ay naglalayong balansihin ang karapatan ng motorists, commuters at vendors. “Our poor vendors are being hurt by our continuous clearing operations and as their leader and the father of the city, it is my duty to look after them,” sabi ni Estrada.
Sinabi ni Alcoreza na nagsasagawa sila ng pag-aayos para sa libo-libong vendors sa Divisoria. “Initially, they would be allowed to operate along the sidewalks provided they do not obstruct traffic flow,” paliwanag ng MTPB chief.
Sabi pa niya dadaan sa screening ang 610 na “returnees” para masiguro na sila ay tunay na mga residente ng Manila.
“They were then required to register with the Bureau of Permits and secure the necessary hawkers’ permit,” dagdag ni Alcoreza. (Betheena Kae Unite)