Tinatayang nasa 440 violators ang hinuli ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa unang araw ng pinaigting na pagpapatupad ng mga batas laban sa litterbugs at jaywalkers nitong Lunes.
Magmula noong Lunes, 306 katao ang hinuli dahil pagkakalat ng basura at 134 dahil sa jaywalking. Ayon kay MMDA General Manager Tim Orbos, inilunsad nila ang operasyon para maibalik ang disiplina sa daan.
“We want to continue to instill discipline among pedestrians and commuters alike. Following rules and regulations on the roads should be second nature to us all,” wika ni Orbos.
Ipinaalala ng MMDA sa publiko na P500 ang multang ipapataw sa mga violators. Ipadadala rin ang kanilang mga pangalan sa National Bureau of Investigation (NBI) para maisama sa alarm list at mailagay sa Bureau of Immigration hold departure order kung sakaling baliwalain nila ang citation tickets. (Anna Liza Villas-Alavaren)