Nagbabala ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa publiko laban sa mga mapagsamantalang grupo na nagpapakilalang miyembro ng “Task Force Agila’’ na binuo ng ahensiya para masawata ang narco-politicians sa bansa.
Inilabas ni DILG Secretary Ismael D. Sueno ang babala matapos makatanggap ng reports na may mga masasamang loob na ginagamit ang pangalan ng Task Force Agila para mang-extort sa mga local officials na iniimbestigahan dahil umano sa kanilang pagkakasangkot sa illegal drugs.
Matatandaan na binuo ang Task Force Agila ng DILG noong August 2016 para siyasatin ang dating local officials na may kinalaman sa illegal drug trade.
“The DILG will not exchange for any amount the trust of the Filipino people and the trust of our President to lead a clean government in this administration,” sabi ni Sueno.
“This is against the very reason for the creation of the Task Force. The DILG vehemently condemns extortion and more so the use of the name of the Department and its programs in doing illicit actions that are contrary to law and the interest of the public,” dagdag pa niya. (Chito Chavez)