NAGKATAON lang kaya na pare-parehong may letter M ang pangalan ng tatlong showbiz personalities na magkakasunod na nahuli dahil sa illegal drugs? Nauna si Sabrina M., sumunod si Krista Miller, then si Mark Anthony Fernandez.
Isang kilo ng marijuana ang nakita sa passenger seat ng kotseng minamaneho ni Mark noong nasabat siya ng mga awtoridad. Aniya sa isang interbyu, hindi niya alam kung saan galing ’yun. Bibili pa lamang daw siya ng marijuana sa isang dealer. Ginagamit daw niya ’yun bilang pangontra sa kanser.
Sa ginawang drug test kay Mark, positibo siya sa marijuana. Negatibo siya sa shabu. Matatandaang ipinasok si Mark a few years ago sa isang rehabilitation center dahil sa paggamit ng illegal drugs.
2 awards
Ano kaya ang reaction ng fans ni Maine Mendoza sa parangal na ipinagkaloob kay Kathryn Bernardo ng 6th Eduk Circle Award? Hinirang si Kathryn bilang Most Influential Celebrity Endorser of the Year. Mas maraming product endorsements si Maine na ibig sabihi’y, maraming advertisers ang naniniwala kay Maine na kayang-kaya niyang hikayatin ang publikong tangkilikin ang ini-endorso niyang produkto.
Baka naman, may sariling criteria ang mga namamahala sa Eduk Circle Award, kaya si Kathryn ang pinarangalan nila.
Bukod sa Most Influential Celebrity Endorser of the Year, pinarangalan din si Kathryn bilang Most Outstanding Young Actress in TV.
By the way, carry din pala ni Maine maging daring. Nag-two-piece swimwear siya noong nag-outing siya kasama ang ilang non-showbiz friends sa isang undisclosed beach resort.
Si Kathryn, carry din kaya niyang mag-two-piece?
Patola
Hindi napigilan ni Glaiza de Castro maging patola sa isang basher. Sinagot niya ito dahil may kinalaman sa kanyang pamilya at kaibigan ang pamba-bash nito sa kanya. Palaban na rin si Pirena ng “Encantadia.”
Thankful naman si Glaiza sa “Encantadia’ co-stars niya sa suporta ng mga ito sa inorganisa niyang 10-kilometer fun run for a cause. Naki-join sina Gabbi Garcia, Ruru Madrid, Sanya Lopez, Mikee Quintos, Rodjun Cruz, Carlo Gonzales at Ervic Vijandre, gano’n din sina Jak Roberto, Aicelle Santos at RaffyTima.
Ani Glaiza, nagsilbing bonding na rin nila ng Kapuso stars ang ginanap na fun run. Beneficiary ang SPED Center sa Valenzuela City, Bulacan na nangangalaga sa special children.
Samantala, paigting nang paigting ang mga kaganapan sa “Encantadia.” Abangan ang muling paghaharap ng apat na sang’gre. Sanib-puwersa sina Amihan, Danaya at Alena laban kay Pirena. Mabawi pa kaya ang Lireo na pinagrereynahan ni Pirena?