Inalis na ang lahat ng obstructions, kasama na ang mga nakahambalang na sasakyan at vendor stalls, sa kahabaan ng Herbosa Street sa Tondo, Manila, na minsan nang tinagurian ni Mayor Joseph Estrada na “street of lawlessness.”
Ipinadala ni Estrada ang Task Force Manila Cleanup para palayain ang Herbosa mula sa mga walang disiplinang residente na umangkin na sa naturang daanan.
“Herbosa Street has become virtually unpassable to vehicles because of so many obstructions. ‘Street of lawlessness’ talaga.
Inari na ng mga residente ‘to, ginawang parking-an, tindahan, tambakan ng gamit, lahat,” sabi ni Estrada. Ayon kay Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) head Dennis Alcoreza, inalis ang lahat ng illegally parked vehicles, kasama na ang mga sirang sasakyan at iba pang structures nang magsagawa ng malawakang paglilinis mula Pritil Market hanggang R-10.
“For years, Herbosa [has become] unpassable to vehicles. Even passenger jeepneys that used to pass here avoid it. Two lanes ‘to na malaki na hindi nadadaanan, ngayon nadadaanan na nang maayos,” sabi ni Alcoreza.
Sinabi pa ni Alcoreza na ito ang unang pagkakataon na nalinis ang naturang mataong kalye makaraan ang maraming taon. (Jaimie Rose R. Aberia)