Megastar Sharon Cuneta-Pangilinan has expressed sadness over the state of Philippine politics as she called on everyone to unite for the country.
“Sana magkaisa at magkaayos na ang lahat ng nagsisilbi sa bansa natin.Wala namang ibang paraan. Di lang mga politiko ang nag-aaway kundi tayu-tayo na ring magkakapatid na Pilipino. Ano ba naman yon?” said Cuneta in her lengthy post on Facebook last October 4.
“Nakakahiya naman kina Gat Jose Rizal at sa iba pa nating bayani. Binigay ang sariling buhay tapos gugulo lang pala ang pinaglaban nila. Huwag na rin tayong magmalinis. Wala namang perpektong lider or tao. Bigayan na lang po sana tayo,” she said.
Cuneta also defended her husband Senator Francis “Kiko” Pangilinan.
“Ang dami-dami-dami ko pang gustong banggitin na pangalan na kaibigan pero huwag na lang. Nalulungkot lang ako. Di ko naman kasalanan na Senador at may sariling paninindigan ang asawa ko, at sa maniwala kayo at hindi, sang-ayon man kayo sa kanya o hindi, matino siyang tao. Mabuti syang tao. makadiyos. Makapamilya. Pinagmamalaki ko ang prinsipyo nya. Tama o mali, asawa ko siya. At di po ba, mas mali naman yung awayin ko siya sa publiko?” the singer-actress asked.
She also said that she never really wanted her husband to be a politician because she preferred the quiet life.
“Kung may kinaiinisan ako, yon ay ang pumasok si Kiko sa pulitika. Kasi gusto ko buhay na tahimik pag nagretire na ako. Gusto ko magpaligaya lang ng tao. Ayoko na nawawalan o pinagdududahan ng kaibigan kasi sobra akong loyal at totoong kaibigan, lalo kung dahil lang sa pagiging tiga-politika ng asawa ko. At yun ang calling niya eh;”
“Gusto niya magsilbing tapat. Lahat po ng meron kami pinaghirapan namin. Pinagtrabahuhan. Lahat ng pork barrel niyang natanggap ng lahat ng politiko nung araw pa napunta sa tama. Ang joke nga naming dito, kung yung iba may unexplained wealth, si Kiko naman unexplained poverty!”
“Ako siguro naman di na kaila sa inyong pinanganak nang maganda ang buhay at mas nakaipon pa ako ng malaki saTatay ko. Kaya okay lang po kami di naming kailangan magnakaw!” Cuneta said.
Cuneta said that she did not endorse any candidates for president and vice president in the May 2016 national elections because many of them are her friends.
“Nitong huling eleksyon, napansin niyo ba wala akong kinampanya para pangulo? Dahil kay Sen. Grace Poe. Mahal ko siya. Mahal ko si Tita Susan. Pamilya ko sila. At kahit kaibigan ko si Sec. Mar at Korina, hindi ko maikukumpara ang history naming ng mga Poe sa kanila. Si Inday (Mayor) Sara Duterte, kaibigan ko siya since 2012. Naging magkaibigan kami ng walang kaalam-alam ang politika. At hanggang matapos ang lahat ng ito, alam ko magiging magkaibigan pa rin kami;