Mahigit sa 3,000 miyembro ng Moro at indigenous peoples (IP) mula Mindanao, Visayas at Luzon ang magsasagawa ng nationwide caravan patungong Manila simula sa araw na ito.
Nais ipakita ng “Lakbayan ng Pambansang Minorya para sa Sariling Pagpapasya at Makatarungang Kapayapaan” ang pagkakaisa ng national minorities sa paggiit ng kanilang pagsasarili – ang karapatan nilang kontrolin ang kanilang lupain at kayamanan, ipatupad ang uri ng kanila pamumuno, at sundin ang kanilang kultura, tradisyon at relihiyon.
“We want to forward our struggle for the Cordillera people’s genuine regional autonomy and end the control and plunder of our resources and the militarization of our communities.
More than 250 of us from the Cordillera will join the Lakbayan,” ayon kay Abie Anongos, isang Ibaloy woman leader na nakabase sa Baguio City.
“About 17,000 of our people will be displaced if the proposed Jalaur Mega Dam is constructed. Contrary to what the National Irrigation Authority claims, there was no genuine consultation and participation of the Tumandok regarding the project,” dagdag ni Aileen Cataman, isang Tumandok leader mula Capiz. (Chito Chavez)