Binigyang parangal ng Far Eastern University ang kauna-unahang babaeng grandmaster ng bansa na si Janelle Mae Frayna sa naging emosyonal na testimonial dinner na ginanap sa FEU Technical Building Huwebes ng gabi sa Morayta, Manila.
Dinaluhan ng matataas na opisyales ng FEU na magkapatid na Aurelio III at Anton Montinola kasama ang athletic director na si Mark Molina ang okasyon kung saan binigyan nito ng simbolikong plake at salaping insentibo ang 20-anyos na tubong Legazpi City, Albay.
“The country’s first woman grandmaster is a Tamaraw,” ang nakalagay sa plake na iniabot ng FEU Board of Trustee official na si Anton Montinola. (Angie Oredo)