KAPURI-puri ang estranged wife ni Mark Anthony Fernandez na si Melissa Garcia. Kahit hiwalay na sila, may touching message siya for Mark. Sana’y may nagparating kay Mark ng ipinost ni Melissa sa social media.
“I’m sorry, I can’t be with you this time. But you have my prayers. I will always have respect and care for you,” bahagi ng message ni Melissa.
Pinasalamatan din niya si Mark sa pagiging mabuting ama nito sa kanilang mga anak. Huwag daw itong mawawalan ng pag-asa (sa kasong kinakaharap nito) dahil hindi siya pababayaan ni God.
Noong ipasok si Mark sa rehabilitation center dahil sa paggamit ng illegal drugs, hindi bumitiw si Melissa sa kanilang relasyon. Buo ang kanyang suporta hanggang nakalabas si Mark.
Sadly, naghiwalay sila noong 2014. Nakatagpo si Mark ng panibagong love partner, si Dianne. Si Melissa kaya, may bago na ring partner?
Lihim sana
Kasama sina Alden Richards at Maine Mendoza sa “Enteng Kabisote 10: The Abangers.” Entry ito sa 2016 Metro Manila Film Festival, led by Vic Sotto. More than 30 stars ang kasali sa movie.
Sa Bohol nag-shoot sina Alden at Maine ng kanilang mga eksena kasama si Vic. Inililihim pa sana ang pagkasama ng AlDub sa cast ng movie, pero agad natunugan ’yun ng kanilang fans. Naipost sa social media ang pagpunta nina Alden at Maine sa Bohol. This Sunday ang balik nila sa Manila.
Hindi isyu
Hindi isyu kay Lovi Poe kung totoong nagkakamabutihan na sina Rocco Nacino at Sanya Lopez. Balita kasing sweet-sweetan ang dalawa kapag nasa set ng “Encantadia.”
May flirting pa silang messages sa Twitter na kilig-kiligan ang viewers ng “Encantadia.” Sabi ni Lovi, happy siya for Rocco kung totoong may “something” na between him and Sanya.
Kaya lang, hindi si Sanya ang kasama ni Rocco noong nag-show siya sa UAE para sa GMA Pinoy TV. Sina Solenn Heussaff at Glaiza de Castro, “Encantadia” co-stars nila, ang ka-join ni Rocco.
Selosan
Kilig pa more sa “Dream Date” episode ng “Usapang Real Love” ngayong Linggo at 5 p.m. sa GMA7. Magkakaselosan ang mag-pinsang Yuan (Jak Roberto) at Diego (Miguel Tanfelix) kay Grace (Bianca Umali). Aabot pa sila sa sapakan. Sino kaya ang mas magiging matimbang sa puso ni Grace?
Kilig naman ang netizens na napipili ang kanilang video challenge. Magpadala lang sa FaceBook page ng “Usapang Real Love” o i-tweet o i-post ang video sa Instagram. I-tag ang @UsapangRealLove#Magpa-FANSin.