DAVAO CITY – Bumuo ng isang grupo ang mga banana exporters sa Davao region para isulong ang pagtataguyod ng isang banana council.
Sa ginanap na three-day Banana Congress 2016 kamakailan, mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagbigay ng kaniyang suporta para palakasin ang industriya ng saging dito sa bansa.
Noong una ay executive order ang nais hilingin ng banana exporters ngunit mismong si Duterte na ang nagsabi na mas makabubuti kung isabatas ang pagpapatayo ng isang banana council.
“The proposed measure is the creation of a Banana Industry Development Council. Now it should be a law, I cannot give executive order. So, because if you need something, money or otherwise; if you need government to intervene – the legal standing has to be something like there is a law, the force of law in the creation of the banana research institute,” ani Duterte na dumalo sa Banana Congress.
Lumabas din sa nasabing congress ang iba’t ibang problema na hinaharap ng banana industry sa bansa katulad ng climate change at mga peste kabilang ang Fusarium Wilt, Black Sigatoka, Banana Bunchy Top, at Moko.
Mabigat na kalaban din ng industriya ang ibang banana-producing countries na nagkakaroon ng sapat na pondo para sa research and development at mas advanced farm technologies. (Antonio L. Colina IV)