DAHIL sa mataas na ratings ng Kapuso primetime teleserye na “Alyas Robin Hood” kaya nagkaroon ng isang Thanksgiving Mass ang buong cast and crew ng “Alyas Robin Hood” noong nakaraang October 6 sa GMA Network Center.
Nanguna sa pasasalamat ay ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes. Napag-alaman ni Dong na hindi lang sa AGB or Mega-Manila mataas ang ratings ng “Alyas Robin Hood”, kundi pati na ang Nutam or National ratings simula noong umere ang show noong nakaraang September 19.
Isang blessing ang pagdating ng teleserye sa kanila at naging pagkakataon ito na mas ipamalas pa ni Dong ang kanyang kakayahan bilang isang aktor.
“Magmula naman noong umpisa, blessing talaga na magkaroon lang ng trabaho, makasama ang mga magaga-ling na artista at makabilang sa isang network na ang primary objective ay magbigay ng entertainment.
“At sa pagpasok namin sa aming 4th week, gusto talaga naming magbigay ng pasasa-lamat sa lahat ng grasya na binigay sa ’min.
“This show is a blessing because we’re here every night to inspire, to give entertainment kaya thank you rin sa audience for giving us very good ratings,” ngiti pa ni Dong.
Naging emotional naman ang kani-lang director na si Dominic Zapata dahil nakita na niya ang magandang resulta ng kanilang sakripisyo para makapaghatid ng isang magandang teleserye.
“Gusto lang naming magpasalamat na tinulungan kami ni Lord na sagutin ’yung mga hiniling namin.
“Natutuwa ako na nasuklian naming ng maayos ang sacrifices ng mga bosses naming dahil sa mataas na TV ratings ng programa,” pahayag pa niya.
Kung matatandaan ay hindi pa man umeere ang “Alyas Robin Hood” ay nagkaroon na ito ng mga bashers at haters sa social media dahil copycat daw ito ng American series na “Arrow.”
Pero napatunayan naman nila na hindi ito kopya ng naturang series dahil sa mga episodes na nakaka-relate ang pamilyang Pinoy. (Ruel J. Mendoza)