Nanguna ang Metro Manila at Central Luzon bilang mga rehiyon na may pinakamalaking bilang ng drug personalities na napatay sa police operations sa patuloy na giyera kontra droga sa buong bansa.
Base sa data mula sa Internal Affairs Service (IAS), may kabuuang 334 drug users at pushers ang napatay magmula Hulyo 1 sa Metro Manila pa lang.
Sinundan ito ng Central Luzon na nakapagtala ng 294 deaths. Ang bilang ay bahagi lamang ng 1,550 drug personalities na napaslang sa buong bansa simula ng ideklara ng gobyerno ang all-out war laban sa illegal drugs.
Ayon kay Senior Supt. Dionardo Carlos, spokesman ng Philippine National Police (PNP), may kabuuang 27,609 katao na ang naaresto habang 738,193 naman ang mga nagsisuko.
Pangatlo sa may pinakamalaking bilang ng napatay sa drug war ang CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) na nakapagtala ng 161 patay; habang pang-apat naman ang Bicol region na may 68 napatay sa iba’t ibang police operations. (Aaron B. Recuenco)