Binuhay ng Quezon City government ang sariling nitong emergency hotline para makapagresponde sa mga emergency cases.
Makakatawag na ang mga residente at bisita ng Quezon City sa numerong 122 para humingi ng tulong sa oras ng pangangailangan.
Didiretso ang kanilang tawag sa Emergency Operations Center ng pamahalaaan lungsod kung saan naka-duty 24/7 ang mga call takers.
Naka-antabay rin sa Emergency Operations Center ang mga tauhan ng iba’t ibang ahensiyang nagpapatupad ng batas tulad ng Quezon City Police District, Bureau of Fire Protection, QC Department of Public Order and Safety, QC Disaster Risk Reduction and Management Office, QC Radio Communications Service at the QC Public Affairs and Information Services Office.
Pormal na ilulunsad ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ang QC 122 hotline sa kanyang State of the City Address sa buwan na ito.
“What Quezon City is having under Mayor Herbert Bautista’s leadership is an integrated, seamless and end-to-end operations system,” ayon kay Elmo San Diego, hepe ng QC Department of Public Order and Safety. (Chito A. Chavez)