Ang pag-iwas sa paggamit ng chemical products ang posibleng susi upang magkaroon ng food security ang bansa.
Ayon sa mga ecologists, mayaman ang Pilipinas pagdating sa sector ng agrikultura at kinakailangan lamang na pahalagahan ito ng bansa upang makamit ang katiyakan sa pagkain at tuluyang mapuksa ang kahirapan.
Ito din ang nilalaman ng published statement ng Greenpeace base sa panulat ni professor Pete Smith ng Aberdeen University.
Nakasaad din sa report na pinamagatang ‘Cool Farming: Climate Impact of Agriculture and Mitigating Potentials”, ang direct at indirect impact sa agriculture at climate change kung magkakaroon ng overuse ng chemicals.
Nakadetalye din sa report ang ang ilang farming practices na madali ang implementasyon katulad ng cropland management, paggamit ng tamang fertilizer at pagbabalik ng organic soil.
Samantala iginiit naman ni noted inventor at executive vice-president ng Mapecon Green Charcoal Philippines Gonzalo Catalan, Jr. na hindi uubra sa bansa ang nasabing panawagan ukol sa chemical use.
Ito’y dahil matagal nang ginagamit ang vermicast organic fertilizer ng karamihan sa mga magsasaka sa buong Pilipinas.