NAGKITA na rin ang mag-amang Gabby Concepcion at Cloie Syquia-Skarne. Diumano’y ang half sister niyang si KC Concepcion ang nag-effort para magkita ang dalawa sa isang family reunion.
Three years old si Cloie noong huli silang nagkita ni Gabby. Magandang mabalitaan natin kung magkakasamang nag-bonding ang mag-aamang Gabby, KC, Cloie at Garrie. Sana’y ’yun ang pag-effort-an ni KC habang narito pa sa Pilipinas si Cloie.
Si Cloie ang representative ng Sweden sa gaganaping Miss Earth 2016 sa Oct. 29. Manood kaya si Gabby bilang suporta sa anak?
Anniversary concert
One year na ang T.O.P. (Top One Project), boy band ng GMA Artist Center. Kinabibilangan ito nina Adrian Pascual, Joshua Jacobe, Louie Pedroso, Mico Cruz at Miko Manguba.
Kamakailan ay nagpunta ang grupo sa Philippine Orthopedic Children’s Hospital at pinasaya ang mga batang pasyente.
Ang “Starstruck” graduate na si Carl Cervantes ang nagsilbing host ng event.
Ang Children’s Charity Ward ng Philippine Orthopedic Hospital ang beneficiary ng gaganaping first major concert ng T.O.P. sa Music Museum on Oct. 28. Guests sina Kim Domingo at Aicelle Santos.
Early this year ay nag-release ang T.O.P. ng kanilang debut self-titled album. Nominated ito for Duo/Group of the Year at Dance Album of the Year mula sa 8th PMPC (Philippine Movie Press Club) Star Awards for Music.
Impressed
Sobrang impressed si Rhian Ramos sa musical play na pinanood niya, ang “Annie” kung saan kasamasa cast si Michael de Mesa na co-star niya sa isang GMA afternoon prime series. Michael plays Daddy Warbucks sa “Annie.”
“Such an entertaining, impressive, well-produced, directed and acted musical,” post ni Rhian sa social media. Dream niyang makalabas sa isang musical stage play.
Every weekend hanggang Dec. 4 ang run ng “Annie” sa Resorts World Manila.
Protesta
Sa balita ng “24 Oras” sa GMA7, may grupong mga kababaihan ang nagpoprotesta na huwag ituloy ang gaganaping Miss Universe pageant ditto sa Pilipinas sa January next year.
Ayon kay Kat de Castro, undersecretary ng Department of Tourism, huwag na raw sanang haluan ng pulitika ang nakatakdang event.
Nag-post naman sa social media ang reigning Miss Universe na si Pia Wurtzbach na kalma lang dahil siya ang bahala.
Ipaglalaban niyang dito maganap ang Miss Universe pageant.
Abang-abang na lang tayo sa official statement ng organizers ng Miss Universe pageant kung matutuloy o hindi ang event. Nakatakda itong gawin sa Jan. 30, 2017sa SM MOA Arena.