Dahil sa noise barrage at protestang isinagawa ng mga inmates, inutusan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na magtalaga ng karagdagang jail personnel sa Manila City Jail (MCJ) para mapanatili ang seguridad sa kulungan.
Inatasan din ni DILG Secretary Ismael Sueno si BJMP director Chief Supt. Serafin D. Barreto, Jr. na magsagawa ng follow-up inspection sa loob ng kulungan.
“We have to show them (inmates) that we will not relent in our efforts to rid the country of illegal drugs, including in jail facilities.
We do not tolerate such actions because there is a corresponding penalty if they will not abide by the rules,” sabi ni Sueno.
Nagdaos ng noise barrage ang inmates sa loob ng Manila City Jail noong Huwebes bilang protesta sa kautusan na ihiwalay ng kulungan ng mga detainees na may drug-related cases. (Chito A. Chavez)