Isinusulong ng Senate finance sub-committee na pinangungunahan ni Senator Cynthia A. Villar ang preservation ng native animals dahil mas mura ang magagastos sa pag-aalaga at mas madali silang maka-adapt sa nagbabagong klima ng mundo.
Inihain ni Villar sa Senado ang Senate Bill No. 144 o ang Philippine Native Animal Development Act na nag-aatas sa mga ahensiya ng gobyerno na gumawa ng 20-year Framework for Development na iba-validate at i-update taon-taon.
Tinalakay ni Villar ang kanyang panukalang batas sa public hearing para sa panukalang 2017 R50.5-billion budget ng the Department of Agriculture (DA).
Sa naturang budget hearing, sinabi ni DA Secretary Emmanuel Piñol na ang konsumo ng mga Pilipino sa karne ay tumaas mula 15 kilos per capita hanggang 35 kilos per capita, at ang imbentaryo ng 2.5 million cattle ay hindi sapat upang pakainin ang 105 million populasyon.
“We should turn to native animals to help us feed the growing population. We have seen problems raising imported cows; our climate is changing and these animals cannot adapt.
Whereas iyong ating native animals kayang-kaya nila ang climate change dito sa Pilipinas. Inirerekomenda ng Villar bill ang pagbuo ng Philippine Native Animal Development Center (PNADC). (Mario Casayuran)