Naitala ang isang 13-anyos na babae na pinakabatang Human Immunodeficiency Virus (HIV) patient sa Davao City.
Ayon sa City Information Office ng siyudad, ang naturang pasyente ay tubong Baguio City ngunit nagbakasyon lamang sa Davao City. Isa siya sa 1,661 cases ng HIV patients sa Davao City.
“She was brought to the center by her aunts for a check-up after they noticed the rashes all over her body,” ani Gloria Serrano, nurse ng Reproductive Health and Wellness Center (RHWC).
Sa kabila nito ay patuloy ang pagbibigay ng center ng libreng testing at counseling sa HIV-AIDS at iba pang sexually transmitted infections.
Kasama din dito ang pagbibigay ng libreng gamot sa mga HIV patients kung saan ang main treatment hub naman ay sa Southern Philippines Medical Center (SPMC). (Yas D. Ocampo)