Nagsagawa ng protest rally ang drivers ng “kuliglig” or motorized tricycle sa kahabaan ng Taft Avenue laban sa paglulunsad e-tricycles sa siyudad ayon sa kanila ay maaaring magresulta sa pagkawala ng kanilang kabuhayan.
Dala-dala ng grupo ng drivers ang kanilang tricycles at pedicabs nang magsagawa sila ng demonstrasyon para tutulan ang E-trike program ng pamahalaang lungsod ng Maynila.
Subalit hinarang sila ng mga pulis bago pa sila makarating sa Manila City Hall. Salungat sa pangamba ng mga pedicab drivers na mawawalan sila ng trabaho kapag ipinatupad na ang naturang programa, sinabi ni Estrada na walang plano ang city government na kaagad na na i-phase-out ang tricycles, pedicabs at “kuliglig” sa siyudad.
“Definitely, there is no phase out. What we just want to do is to replace their conventional tricycles with modern, battery-operated E-trikes, so that they will have more earnings and at the same time help reduce air pollution in our city,” paliwanag ni Estrada. (Betheena Kae Unite)