SAN LUIS, Agusan del Sur – Lubos ang tuwa ng mga Manobo farmers sa far-flung town ng San Luis matapos makumpleto ang paggawa ng P500-million worth ng delta bridge.
Ito’y dahil mas mapapadali na ang pagkalakal ng kanilang mga produkto na magdudulot naman ng malaking kita para sa mga Manobo farmers.
Mula sa nakasanayang 15-kilometer travel, aabutin na lamang ng five kilometers ang byahe mula Poblacion Talacogon papuntang Doña Maxima na sentro naman ng kalakalan ng San Luis.
Ayon kay Manobo tribal leader Antonio ‘Datu Malinaw’ Cullantes, matagal na nilang pinangarap ang magkaroon ng tulay na katulad ng naitaguyod sa kanilang lugar.
“Madali na ngayon ang pagdadala ng mga produkto namin sa pamilihan kaya naman pwede na kaming humingi ng mas magandang presyo,” ani Cullantes.
Sinimulan ang 163-meter bridge noong isang taon sa pangunguna ng Department of Public Works and Highways (DPWH) 13 Regional Director Engr. Danilo E. Versola.
Naglabas ang DPWH ng halagang R450 million para sa proyekto, P45 million naman ang kontribusyon ng municipal government na utang sa Development Bank of the Philippines habang R5 million ang ambag ng provincial government. (Mike U. Crismundo)