VALENZUELA City – Ipapadala ng Valenzuela city government ang 199 na sumukong drug users sa isang rehabilitation facility sa Pampanga sa linggong ito.
Sinabi kahapon ni Mayor Rexlon “Rex” Gatchalian na 50 sa 199 sumukong drug users ay dinala na Central Luzon Drug Rehabilitation Center sa Magalang, Pampanga, noong Lunes.
“The first batch (50) of self-confessed drug users was sent to a rehabilitation center in Pampanga on Monday. This step is to help them overcome drug addiction and change their lives,” he said.
Ayon kay Gatchalian, nasa 2,800 na ang bilang ng mga sumukong drug addicts sa Valenzuela. Isang libong sa mga ito ay na-assess na, at may 199 na ang na-diagnose ng Department of Health (DoH) experts na nasa “severe level of drug addiction”. (Jel Santos)