Ipinakulong ng Manila Regional Trial Court (RTC) ang dating barangay chairman ng Sampaloc, Manila, dahil sa kasong graft at estafa na isinampa ng Office of the Ombudsman (OMB).
Pinatawan ni RTC Judge Liwliwa Hidalgo-Bucu ang dating village chief na si Alex Fontiana ng 15 taong pagkabilanggo sa kasong graft at karadagang 17 taon sa kasong estafa, o kabuuang 32 taong pananatili sa likod ng rehas.
Ayon sa Ombudsman prosecutors, napatunayang guilty si Fontiana sa kasong paglabag sa anti-graft law dahil sa pagbili niya ng isang patrol car na nagkakahalaga ng P221,000.
Base sa record, binili ni Fontiana ang sasakyan sa pamamagitan ng financing scheme kahit na ini-release na ng barangay ang kabuuang halaga.
Samantala, ang hatol kay Fontiana sa kasong estafa ay nag-ugat sa paggamit niya ng mga pirma ng ibang barangay officials para makakuha ng R120,000 personal loan. (Jun Ramirez)