IMUS, Cavite – Halos tatlong tonelada ng isda ang lumutang sa isang kaso ng fish kill sa bayan ng Tanza.
Ayon sa local Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), karamihan sa mga namatay na isda ay mga sap-sap na biglaang lumutang sa ilang mga barangay kabilang na ang Capipisa, Julugan I at III.
Ayon kay Provincial Government-Environment and Natural Resources (PG-ENRO) officer Engineer Roliño Posas kanila nang sinisiyasat ang naganap na fish kill kung saan aabot sa 3,500 kilograms o 3.5 tons.
“We have no details yet about the fish kill in Tanza, I will call up the (local) BFAR now and get the (fish kill) report,” ani Posas.
Ilan sa mga tinitignang may responsibilidad sa nasabing insidente ay ang isang biscuit factory sa Tanza at maging ilang mga factories sa Metro Manila na direktang nakakaapekto sa Manila Bay.
Bago ito ay halos isang tonelada ng patay na mga isda ang nakalap sa Malimango river noong Setyembre.
Ang naturang ilog at isang four-kilometer tributary na sakop ang mga Barangay ng Bagbag I and II, Tejero I at Ligtong I, II, III, IV. (Anthony Giron)