Sa pakikipagtulungan ng Philippine National Police (PNP) at iba pang government agencies, ilulunsad bukas ni Senator Cynthia A. Villar ang drug rehabilitation training program para matulungang ma-reform ang mga drug surrenderees mula sa Las PiƱas City.
Ang training program ay alinsunod sa hangarin ng gobyerno na matulungan ang dating illegal drug users na makabalik sa normal na pamumuhay at maging kapaki-pakinabang na mamamayan.
Umabot sa 1,700 drug users mula sa Las Pinas ang sumuko sa PNP at 120 sa kanila ay makakasama sa SAGIP BUKAS training program.
Tatagal ng 12 linggo ang drug rehabilitation training program at magkakaroon ng dalawang sessions kada lingo (Huwebes at Biyernes).
Kasama sa sessions ang libreng trainings sa agricultural farming, health and wellness, at lectures tungkol sa aspetong ethico-legal ng substance abuse. (Mario Casayuran)