SUSUBUKAN ng GMA7 ang bagong tambalan nina Andre Paras at Mikee Quintos sa “Usapang Real Love” sa ikalawang istorya nitong pinamagatang “Perfect Fit.”
Magsisimula ang four-week episode nito ngayong Linggo (Oct.23) at 5 p.m. Tampok din ang “Starstruck 6” finalists na sina Jay Arcilla at Arra San Agustin, Mickey Ferriols, William Lorenzo at Bern Josep Persia. Directed by Jorron Monroy.
Modern-day Cinderella romance ito kung saan dalawang karakter ang gagampanan ni Mikee. Bilang Ella, isang cellphone repair girl at bilang Cindy (magkamukha sila) na magpapaayos ng cell phone sa una.
Gaganap naman si Andre bilang Eugene, isang account executive, Ella’s childhood crush.
Sa pocket interview with Andre and Mikee, anila, komportable na silang magkatrabaho. Matagal na silang magkakilala at may mga common friends sila.
Magkasama rin sina Andre at Mikee sa “Encantadia” where they play Iwahig and Lira, respectively. Anila, sobrang close sila sa isa’t isa at nagkukulitan kapag break time nila.
Ayaw maging spoiler ni Mikee kung ano’ng mangyayari kay Lira. Abangan nalang daw kung papatayin siya ng kapatid niyang si Kahlil (Avery Paraiso), ayon sa itinakda ni Cassiopea (Sollen Heussaff). Wish naman ni Andre na magtagal pa ang guesting niya sa “Encantadia.”
Big break
Sasabak na sa aktingan ang discovery ng “Eat Bulaga, ang BAES na binubuo nina Kenneth Medrano (grand winner ng “That’s My Bae” segment), Kim Last, Jon Timmons, Tommy Penaflor, Miggy Tolentino at Joel Pallencia. Tampok sila sa “Trops” (millennial term for tropa) na magsisimula sa Lunes (Oct. 24) before “Eat Bulaga” sa GMA7.
Tampok din ang French-Japanese-Filipino-Brazilian na si Taki na napapanood sa “Eat Bulaga.” Kasama rin sina Ina Raymundo, Benjie Paras, Irma Adlawan at Toni Aquino (anak ni Ruby Rodriguez). Sa direksiyon ni Linnet Zurbano, produced by Tape, Inc.
Sa presscon ng “Trops,” nagpahayag ng excitement ang Tropang BAES. Anila, dream come true na nabigyan sila ng pagkakataong maipamalas ang kakayahan nila sa pag-arte.
Anila, hindi sila nape-pressure sa #Hashtag boys ng “It’s Showtime” o sa iba pang all-male group. Confident ang BAES na may kakayahan din sila sa pag-arte at hindi lang sa pagsayaw. Bilang paghahanda, nag-acting workshops sila.
Iba’t ibang issues ng millenials ang tatalakayin sa “Trops.” Layunin ng programa na maka-relate ang mga inang may mga millenial babies. Bukod sa pananamit, ugali at hairstyle, may mga hugot lines sa characters na ginagampanan ng BAES ang makaka-identify sa televiewers.