Nagalugad ko na ang lahat ng nagbebenta ng programa dito sa aming lugar (Cainta), pati na nga sa Samson’s Billiard OTB sa Saint Joseph kung saan laging maagang dumarating ito pero nabigo ako.
Tipong nahirapan makabuo ng required number of races ang San Lazaro this weekend. Naka schedule pa naman this Sunday ang R1.Million “3rd Leg Juvenile Fillies/Colts Stakes Race”.
Itatakbo sa rutang 1,500 Meters, ang mga nakaschedule na tumakbo rito ay ang Divine Dancer, Doshermanos Island, Guniguni, Habsburg Empire, Headmaster, Puerto Princesa, Self And Pepper at Smokin Saturday.
Be that may, dumako na lang muna tayo sa mga nakaraang kaganapan dito sa masiglang daigdig nating mga karerista.
Noong Huwebes ng Metro Turf in Malvar-Tanauan City, Batangas, ang 1st set ng WTA Covering Races 2 to 8, ay nagbigay ng premyong P8,775.
Ang Pick-6 (R3-8) naman ay P2,462.40 at ang 2 sets ng Pick-5 ay P963.40 at P879.20 at ang Pick 4 covering the usual 4 Races 1 to 8, ayon sa pagkakasunud-sunod ay ang Donsol Bay, Mrs. Jer, Prettyprettypretty, Security Might, Silent Moment, Freedom Run, Prinz Lao at Conicus or combinations 5-5-7-3-2-1-6 at 3.
Last Sunday naman sa Metro Turf, nagwagi sa P1.5 Million 2016 PCSO Anniversary Race ay ang pambato ni B.A. Abalos III na nadehado pang kanlaon upang makamit ang top prize of P800,000.
Sa P1.5 Million Philracom sponsored Sampaguita Stakes Race ang nanaig ay ang nadehado ring Skyway upang makuha ang top prize na P900,000 for Cool Summer Farm.
So there, see you guys at our usual Samson’s Billiard and/or at Obet dela Paz Momay’s Carinderia OTB at Marick, Cainta…
Good Luck!! (JOHNNY DECENA)