Pinag-iingat ng isang toxic watchdog ang publiko sa pagbili ng mga Halloween items na may nakalalasong chemicals.
Binalaan ng Eco-Waste Coalition ang mga consumers laban sa mga popular na laruan at iba pang bagay na makapagdudulot ng sakit at kapahamakan habang ipinagdiriwang ang Halloween.
“As the Halloween fad catches on in urban neighborhoods, party and event goers, especially young children, need to exercise precaution in choosing their costumes and toys as many of them have not passed through the required verification procedures by the health authorities,” pahayag ni Thony Dizon, Coordinator of the EcoWaste Coalition’s Project Protect.
Pinaalalahanan din ni Dizon ang mga negosyante na kailangan nilang mag-apply ng lisensiya para makapag-operate at kumuha ng product notification bago sila maglagay ng toys and childcare articles (TCCA) sa merkado.
“With the proliferation of toys in the market, parents need to pay equal attention to both the price and quality of the toys they buy for their kids,” sabi ni Dr. Erle Castillo, consultant ng UP-Philippine General Hospital on Family Medicine and UP-College of Medicine on Emergency Medicine. (Chito A. Chavez)