CALUMPIT, Bulacan – Nanawagan si Bulacan Governor Wilhelmino M. Sy-Alvarado na balikan ang mga puno na itinanim ng mga tao upang matiyak ang paglaki ng mga ito.
Ayon kay Alvarado mahalaga na mapalawak ang pagtatanim sa kanilang lugar maging sa iba’t-ibang bahagi ng bansa upang maiwasan ang mga sakuna na dulot ng kapabayaan sa kalikasan.
“To build an eco-friendly environment is to help in reforestation by protecting, preserving and rehabilitating selected forest covers, regeneration of mangrove areas and propagation of planting materials,” ani Alvarado.
Iginiit din ni Alvarado sa kanilang mga barangay officials ang kahalagaan ng pagtatanim ng puno sa kani-kanilang lugar. (Freddie C. Velez)