SOBRANG proud ang Kapuso leading man na si Tom Rodriguez dahil nagkaroon ng international premiere ang pinagbidahan niyang indie film na “Magtanggol.”
Nag-premiere noong Oct. 22 ang “Magtanggol” sa International Film Festival of Manhattan in New York.
Excited na pinost sa Instagram ng bida ng GMA primetime teleserye na “Someone to Watch Over Me” at host ng “#Like” ang magandang balita noong nakaraang Oct. 21.
Heto ang post ni Tom:
“Yay!! Happy to announce that our tribute film to our beloved OFW’s, MAGTANGGOL will have an international premiere on Oct. 22, 9 p.m., as it competes at the International Film Festival of Manhattan at the Producer’s Club in New York.
“I implore all of you to ask your relatives and friends in the States to come and watch it. Thanks! You can also help make our film win the Audience Choice Award by watching and liking this link! 🙂 https://youtu.be/my10PNUj8KA #magtanggolthemovie #IFFMNYC2016.”
Dinirek ni Siegfried Barros Sanchez ang “Magtanggol” kung saan gumanap si Tom bilang si Juancho Magtanggol, Jr. na lumaki sa isang political family at tinuturing ng masa bilang “revolutionary,” “hero,” “nationalistic” at “fighter of rights.”
Tungkol din sa plight ng mga OFWs ang naturang pelikula.
Bukod kay Tom, kasama rin sa cast sina Dina Bonnevie, Ricky Davao, Epy Quizon, Giselle Sanchez, Lui Manansala, Cholo Barretto, Joonee Gamboa, Denise Laurel, Yam Concepcion, Ejay Falcon at marami pang iba.
Nagkaroon ng theatrical release noong nakaraang June 2016 ang “Magtanggol,” pero naging first day-last day ito dahil pinull-out ito agad sa mga sinehan sa malls dahil walang nanonood.
Nagpahayag ng kanyang disappointment ang direktor sa mga sinehan dahil hindi man lang daw pinagbigyan na magtagal ang pelikula nila.
Kaya naman nanawagan at inanyayahan ni Tom na panoorin ng mga Pinoy na nasa US ang kanilang pelikula.