Hindi ini-expect ng Kapuso leading man na si Kristoffer Martin na matatalo niya ang mga magagaling na kalaban niya sa napanalunan niyang category na best actor in a single performance para sa pagganap niya sa isang episode ng “Magpakailanman” ng GMA-7.
Happy na raw si Kristoffer na mapasama siya bilang nominee kasama ng mga mahuhusay na aktor tulad nila Alden Richards, Gardo Versoza, Gerald Anderson, Joel Torre, John Arcilla at Zanjoe Marudo.
Pero hindi raw siya umasa na manalo. Kaya noong tawagin ang name niya bilang winner, para raw siyang lumalakad sa ulap dahil hindi siya makapaniwala.
“Ikaw lahat to Lord. Maraming salamat,” tweet agad ni Kristoffer pagkatapos niyang manalo.
Nag-post din ang aktor sa kanyang Instagram account at nagpasalamat sa award na natanggap niya.
“Maraming maraming maraming salamat po sa parangal na to. This will serve as an inspiration for me to always improve my craft. Thank you GMA, Gma artist center and to the production of “Magpakailanman.” Thank you also to my supporters and sa ever supportive kong parents. Para po sa inyong lahat to. Salamat Panginoon,” post pa ni Kristoffer.
Tamang-tama lang daw ang parangal na iyon dahil malapit nang umere ang pinagbibidahan niyang teleserye sa GMA-7 titled Hahamakin Ang Lahat kunsaan katambal niya si Joyce Ching.
Bukod sa pag-arte ay binabalikan na rin ni Kristoffer ang pagiging singer.
Sinimulan niya ito sa pag-awit ng theme song na “Sa Piling Mo” ng GMA primetime teleserye na “Alyas Robin Hood.”
Ngayon ay siya rin ang pinaawit sa theme song ng Hahamakin Ang Lahat.
Ka-duet niya rito ay ang winner ng Bet Ng Bayan na si Hannah Precillas.
Pinost ni Kristoffer sa kanyang Instagram account ang naging recording nila ni Hannah.
“Konting patikim ng theme song ng “Hahamakin Ang Lahat”. Nahiya boses ko kay @hanprecillas. thank you Lord!” caption pa niya. (RUEL J. MENDOZA)