NICE to hear na nagkitana sina Sharon Cuneta at Garie Concepcion (anak ni Gabby Concepcion kay Grace Ibuna). Nanood si Garie ng concert ni Sharon sa Solaire Resorts and Casino noong Oct. 22.
Ipinost ni KC Concepcion (anak naman ni Gabby kay Sharon) sa social media ang magkakasamang pictures nila ni Garie with Sharon. May pictures din kasama ni Garie ang half-siblings niyang sina Frankie at Miguel (mga anak ni Sharon kay Sen. Francis Pangilinan).
Sayang at wala si Cloie Syquia-Skarne (anak ni Gabby kay Jenny Syquia). Sana’y kumpleto ang Tres Marias ni Gabby na may magkakaibang nanay.
This Saturday (Oct. 29) ang Miss Earth 2016 coronation night. Suportado nina KC at Garie si Cloie na representative ng Sweden. Manood kaya si Gabby?
Kabogera
Kinabog ni Liza Soberano ang mga kapuwa Kapamilya niya sa ginanap na Star Magic Ball. Tinanghal siyang Best Dressed celeb at deserving naman siya talaga. Stand-out ang beauty ni Liza sa suot niyang Dove gray gown na gawa ni Michael Cinco.
Hindi matanggap ng fans ni Kathryn Bernardo na kinabog ni Liza ang kanilang idolo. Si Michael Cinco rin ang designer ng black gown ni Kathryn na ayon sa iba’y walang dating.
As expected, magka-date sa event sina Gerald Anderson at Bea Alonzo, Jessy Mendiola at Luis Manzano. May video clip ng interbyu kina Luis at Jessy na lumabas sa social media. Na-bash si Jessy ng netizens dahil sa wrong grammar niyang pagsagot sa tanong ng hosts.
By the way, nagkita si Luis and his ex-girlfriend, Jennylyn Mercado sa PMPC Star Awards for Music and TV Awards Night. Host si Luis na siyang nag-announce ng Best Drama Actress na pinagwagian ni Jennylyn para sa “My Faithful Husband.” Nagtilian ang audience noong iabot ni Jennylyn kay Luis ang microphone matapos ang kanyang acceptance speech.
Nahihiya
Sa isang interbyu kay Lovi Poe, sinabi niyang nahihiya siyang ipapanood sa kanyang mommy ang “The Escort.” Sobrang daring and sexy kasi ang mga eksena niya with Derek Ramsay and Christopher de Leon.
Todo-bigay si Lovi sa passionate scenes niya, kaya hindi niya alam kung ano’ng magiging reaction ng mommy niya. Sa Nov. 2 ang showing ng “The Escort” sa mga sinehan nationwide. Produced by Regal Entertainment, directed by Enzo Williams.
Ano naman kaya ang reaction ni Lovi sa sinabi ng ex-boyfriend niyang si Rocco Nacino na pinakamasakit na break-up for him ang nangyari sa kanilang dalawa?