Nagsampa ng criminal charges ang miyembro ng indigenous tribe (Lumad) sa Office of the Ombudsman laban sa 200 Manila policemen na sangkot sa violent dispersal ng anti-American demonstrators sa harap ng US Embassy sa Manila noong nakaraang lingo.
Ang reklamo ay inihain ng Sandugo, ang umbrella organization ng iba’t ibang cultural minority groups sa Mindanao.
Pangunahing binanggit sa reklamo sina Senior Superintendent Marcelino Pedroso, ang police ground commander; at PO3 Franklin Kho, ang driver ng police van na nanagasa ng mga nagpo-protesta sa Roxas Boulevard, Manila.
Sinabi ni Jerome Succor Aba, Moro leader at co-convenor ng Sandugo, na hinihiling nila sa Ombudsman na imbestigahan at usigin ang mga miyembro ng police anti-riot squad na nanipa at namalo sa kanila gamit ang truncheons.
Ayon sa isa sa complainant na si Jose Balucos, mga pulis ang nag-umpisa ng gulo nang simulan i-disperse ang mga demonstrador.
Sibani niya na nagpunta sila sa US embassy para i-protesta ang pananatili ng American soldiers at militarisasyon sa kanilang barangay para protektahan ang mining at banana plantations na karamihan ay pag-aari ng mga Amerikano.
(Jun Ramirez)