Hinimok ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga pamilya na nasalanta ng bagyong “Lawin” na suriing mabuti ang food packs na naibigay sa kanila para malaman kung selyado at kumpleto ang mga iyon.
Sinabi ni DSWD Secretary Judy Taguiwalo na ang bawat food pack na ibinigay sa mga biktima ng bagyo ay dapat naglalaman ng anim na kilo ng bigas, apat na lata ng sardinas, apat na lata ng corned beef o beef loaf, at anim na pakete ng kape o cereal energy drink.
“Dapat naka-tape po ang kahon ‘pag binigay ito sa inyo,” sabi ni Taguiwalo. “The food pack is enough for two days for a family with five members,” dagdag pa niya.
Base sa record as of October 27, umabot sa 312,586 pamilya or 1,394,045 katao mula sa 3,095 barangays sa Regions CAR, I, II, III, at V ang naapektuhan ng bagyo. Nasa 1,122 pamilya o 4,066 katao ang nanunuluyan pa rin sa 21 evacuation centers sa mga nasabing rehiyon. (Betheena Kae Unite)