SA December na ang kasal nina Paul Jake Castillo at Kaye Abad. Sa Cebu na sila maninirahan after ng kanilang wedding.
Lie low muna sa showbiz si Kaye kapag nagkaanak na sila. Tatlong anak ang gusto niya.
Parang si Donna Cruz si Kaye na noong nakapag-asawa ng taga-Cebu, si Dr. Yong Larrazabal, ay doon na sila nanirahan.
Cebuano rin si Paul at may mga negosyo ang kanyang pamilya sa Cebu. May restaurant business si Paul Jake sa Tomas Morato, QC na ang specialty ay lechon Cebu.
Si Kaye ang first showbiz girlfriend ni John Lloyd Cruz. Naging boyfriend din niya si Chito Miranda (band member ng Parokya ni Edgar) na asawa ngayon ni Neri Naig na pregnant (o nanganak na?) sa kanilang first baby.
Ex-girlfriend naman ni Paul Jake si Melissa Ricks na may anak na sa kanyang non-showbiz partner. Naging boyfriend din niya si Jake Cuenca na ex-BF din ni Roxanne Guinoo.
Aamin na?
Aamin na kaya sina Coco Martin at Julia Montes sa kanilang relasyon ngayong iba na ang management company ng aktres?
Ang Corner Stone na ni Eric Raymundo ang nagma-manage ng career ni Julia. Umalis na siya sa Star Magic ng ABS-CBN.
How true na diumano’y may kinalaman si Coco sa pagpapalit ng management company ni Julia? Diumano’y gusto na nilang umamin sa kanilang relasyon. Pinagbabawalan lang daw si Julia ng Star Magic. How true?
And how true na diumano’y hindi na pinasali si Julia sa nakaraang Star Magic Ball dahil iba na ang kanyang management company?
Pasabog?
Aalis na si Arci Muñoz sa Viva Artist Center na namamahala ng kanyang career. Gusto niyang lumipat sa Star Magic ng ABS-CBN.
Co-managed ng VAC at ni Annabelle Rama si Arci. May tsikang maraming sikreto ni Arci ang diumano’y nalalaman ni Annabelle na any moment ay puwede nitong pasabugin.
Knowing Annabelle, kaya niyang gawin ’yun. Si Ruffa Gutierrez na sarili niyang anak ay ibinubulgar niya ang personal life nito, lalo na’t may kinalaman sa lovelife, what more kay Arci?
Magkakasama
Magkasama sina Snooky Serna at Marina Benipayo sa isang GMA afternoon drama series. Ex at present partners sila, respectively, ni Ricardo Cepeda.
Magkasama naman sina Janice de Belen at Priscilla Meirelles sa isang morning series ng ABS-CBN. Ex at present partners sila, respectively, ni John Estrada.
Sana’y magkatrabaho rin sina Janice at Charlene Gonzales, ex at present partners, respectively, ni Aga Muhlach.