Sa mga tsismoso’t tsimosa, isip-isip muna kung may balak kayo na mapadpad sa isang barangay sa Bayombong, Nueva Vizcaya.
Ito’y matapos ipasa ng mga barangay officials ng Bacneng sa Bayan ng Sta. Fe ang ‘Anti-Gossip Ordinance’ na magbibigay ng karampatang parusa sa sino man ang magkakalat ng tsismis sa kanilang lugar.
Ayon kay Barangay Captain Melecio Palma, marami na silang reklamo na natatanggap na may kinalaman sa mga maling paratang, partikular na sa grupo ng ‘Kalanguya/Ikalahan’ tribe sa kanilang lugar.
“Base sa logbook namin, karamihan sa mga kaso ng away ng pamilya at iba pa ay may kinalaman sa tsismis. Dito na namin naisip na itaguyod itong ordinansa,” ani Palma.
Nakasaad sa barangay ordinance na magmumulta ng R500 sa first offense, P800 sa second offense at R1,000 re third offense kasama pa ang one-day community service.
Inamin naman ni Palma na ang nasabing ordinansa ay hango sa Article 364 ng Revised Penal Code na nagbabawal ng intriga, pagkakalat ng tsismis at oral defamation o paninira ng isang pagkatao.
Kabilang naman sa mga pumirma sa nasabing barangay ordinance ay sina Ellen Cosep, Wilson Depayso, Bernabe Macay, Decio Dolores, Peter Aghan, Rebejose Fernandez and Gilbert Mariano. (PNA)