Ipatutupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang “no day-off, no absent” policy para sa 2,886 traffic personnel para siguraduhing maayos ang trapiko sa mga pangunahing daan habang ginuginita ng bansa ang All Saints’ Day.
Sinabi ni Tim Orbos, MMDA officer in charge (OIC), na kinabibilangan ng traffic enforcers, towing at clearing group, at clean-up crews ang MMDA force na inatasan para panatilihin ang kaayusan sa daan.
“Personnel will be fielded on thoroughfares to clear major roads and sidewalks of all forms of obstructions and ensure smooth flow of traffic,” said Orbos. (Anna Liza Villas-Alavaren)