Tinatayang nasa 1,600 pamilya ang nawalan ng tahanan nang sumkilab ang sunog sa isang mataong komunidad sa Las Piñas City noong Miyerkules ng umaga.
Ayon sa Las Piñas Bureau of Fire and Protection, nagsimula ang sunog bandang 3:30 a.m. sa terrace ng second floor ng bahay ni Eduardo Angeles.
Sinabi ni Chief Inspector Ramon Capundag, BFP chief, na mabilis na kumalat ang apoy at nadamay ang 800 pang bahay sa Manggagan, BF Resort Village, Talon Dos.
Umabot sa Task Force Alpha ang sunog bago ito naapula dakong 7:30 a.m. Sinabi ni Capundag na nasa R50 milyon ang halaga ng nasirang ari-arian ngunit kanila pang inaalam ang sanhi ng sunog.
Inamin ng BFP na nahirapan silang kontrolin ang pagkalat ng apoy dahil walang fire hydrants sa nasabing lugar.
(Jean Fernando)