Inaasahang papasok sa bansa ngayong araw ang isa sa dalawang tropical depressions na nasa Pacific Ocean.
Papangalanan ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration ang papasok na bagyo na “Marce.”
Nakita ng PAGASA ang sama ng panahon 1,315 kilometers east of Visayas. May taglay itong hanging 45 kilometers per hour at pagbugso na 55 kph at kumikilos 15 kph west-northwest.
Ayon kay PAGASA weather forecaster Benison Estareja, binabantayan nilang mabuti ang galaw ng bagyo, ang una ngayong buwan at 13th ngayong taon, upang malaman kung tatama ito sa Pilipinas.
Aniya, maaaring umakyat pagpasok sa Philippine Area of Responsibility ang bagyo at hindi mag-landfall o lumapit sa bansa at tumama sa eastern Luzon or Visayas.
Wala namang tsansang pumasok sa bansa ang isa pang tropical depression na namataan 2,800 kms east of Luzon, ayon kay Estareja.
May taglay itong hangin na 45 kph at pagbugsong 55 kph. Gumagalaw ito west-northwest sa bilis na 15 kph.
(Ellalyn B. de Vera)