Lumakas ang tropical depression na may international name na “Meari” na inaasahang papasok sa bansa kahapon.
Nakita ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration ang tropical storm kahapon ng tanghali sa layong 1,385 kilometers east of Luzon at may maximum sustained winds na 65 kilometers per hour at gustiness na 80 kph.
Sinabi ng PAGASA na halos hindi gumagalaw ang bagyo dahil sa interaction nito sa isang kalapit na tropical depression.
Ang naturang tropical depression ay huling namataan 2,270 kms east of Luzon at may taglay na hanging 55 kph at gustiness na 70 kph. Gumagalaw ito northwest sa bilis na 20 kph.
Wala pang epekto ang dalawang bagyo sa bansa dahil nasa labas pa ito ng ating area of responsibility.
Inaasahan ng PAGASA na papasok anumang oras sa bansa si Meari na 200 kms na lamang ang layo sa PAR.
(Ellalyn B. de Vera)