Labindalawang pamilya ang nawalan ng tahanan matapos sumiklab ang sunog na lumamon sa anim na kabahayan sa Sta. Ana, Manila, madaling araw kahapon. Base sa initial investigation, nagsimula ang apoy sa second floor ng isang residential-commercial unit na pag-aari ng isang Helen Marco bandang 4:36 a.m. sa 2554 Tejeron Street, Sta. Ana.
Tinatayang nasa P5 million ang halaga ng ari-arian na natupok ng apoy na umabot a 3rd alarm. Na-kontrol ng mga bumbero ang sunog dakong 5:35 a.m. at tuluyang naapula bandang 6 a.m.
Nagsasagawa pa ng karagdagang pagsisiyasat ang mga awtoridad para malaman ang sanhi ng sunog. (Jaimie Rose R. Aberia)