Nasawi ang isang 60-taong gulang na babae habang 60 pamilya naman ang nawalan ng tahanan nang sumiklab ang sunog sa lugar ng informal settlers sa Quezon City kahapon ng umaga.
Natagpuan ang sunog na bangkay ni Emelita Duyan sa loob ng kaniyang bahay kung saan umano nagsimula ang apoy bandang 3:54 a.m.
Umabot sa 20 bahay ang natupok ng apoy sa General Avenue, Barangay Tandang Sora. Ayon kay Quezon City fire marshall Senior Supt. Jesus Fernandez, maaring nagsimula ang sunog sa kusina ni Duyan na nakagawian nang magluto ng almusal tuwing umaga.
Sinabi ni Fernandez na inaalam pa nila kung LPG ang sanhi ng sunog sa two-storey house ni Duyan na mabilis na kumalat sa iba pang kabahayan sa lugar. (Vanne Elaine P. Terrazola)