Tinatayang nasa 120 sumukong drug users sa Pasig City ang bibigyan ng skills training para maging contruction workers.
Ito ang ipinahayag ng Eastern Police District (EPD) matapos na lagdaan ng police, local government officials at ibang stakeholders ang isang kasunduan na naglalayong isailalim sa skills training program ang mga dating illegal drug users para makapagtrabaho sa construction industry.
Ang memorandum of agreement ay nilagdaan ng EPD, Rotary Club of Pasig, Inc., Anti-Drug Abuse Council of Pasig, Pasig City Institute of Science and Technology (PCIST) at Philippine Constructors Association – Metropolitan Chapter (PCAM).
Sa ilalim ng kasunduaan, ang mga sumukong drug users ay tuturuan at bibigyan ng pagkakataong makapagtrabaho bilang welders, pipefitters, carpenters, masons, plumbers, sanitary workers at electricians.
Pamumunuan ng EPD ang pagpili sa mga kandidato sa training. Kinkailangan na walang outstanding warrants o kasong criminal ang mga sasailalim sa rehabilitation.
Kinakailangan ding residente ng Pasig City ang mga kandidato at dapat ay emotionally, mentally at physically fit sila para kanilang pagsasanay. (Jenny Manongdo)