Malayo nang makabalik sa mga kalye ng Divisoria ang traditional night market itong darating na kapaskuhan, ayon kay Manila Mayor Joseph Estrada.
Ipinahayag ni Estrada kahapon na niya hindi na papayagan ang operation ng traditional night market sa kahabaan ng Recto Avenue mula Abad Santos hanggang Juan Luna streets sa darating na December para maibsan ang inaasahang traffic congestion sa kasagsagan ng kapaskuhan.
Matatandaan na pinayagan ang night market vendors na magtinda sa naturang lugar simula noong taong 2013 matapos na ipagbawal ang pagtitinda sa sidewalks sa umaga.
Sinabi ni Estrada na limitado na lamang ang night market sa vegetable at wet goods vendors sa kahabaan ng Recto Avenue, sa pagitan ng Juan Luna at Asuncion streets, mula 6 p.m. hanggang 6 a.m.
“As much as want to help the vendors earn extra income this Christmas, we cannot allow another big night market in Divisoria. This will only cause more traffic and chaos,” sabi ni Estrada. (Betheena Kae Unite)