Pumanaw si Basilan Rep. Jum J. Akbar dahil sa sakit sa atay sa isang malaking hospital sa Taguig City noong Biyernes.
Ayon kay Myra Mangkabung, regional secretary ng Department Science and Technology sa Autonomous Region in Muslim Mindanao at malapit na kamaganak, inatake sa puso si Akbar, 53, at namatay habang inooperahan sa St. Luke’s Hospital.
“Akbar expired while undergoing operation for liver sclerosis,” sinabi ni Mangkabung sa isang pahayag.
Nagpahayag ng pakikiramay ang mga netizens at mga kapwa kongresista sa pamilya ni Akbar.
Si Akbar ay maybahay ni Basilan Gov. at Rep. Wahab Akbar na namatay sa isang pagsabog sa Batasang Pambansa sa Quezon City noong November 13, 2007.
Parehong namatay ang magasawa sa ikapitong buwan ng kanilang panunungkulan bilang kongresista. Inilibing sa Basilan ang labi ng kongresista sa tabi ng kanyang asawa. (Ali G. Macabalang)